Ano ang katotohanan sa likod ng pagkakasira ng mga tubo Nord Stream?

2023-03-12 14:46:19  CRI
Share with:

Noong unang dako ng nagdaang Pebrero, inihayag ng Pulitzer Prize-winning journalist na si Seymour Hersh ang resulta ng kanyang imbestigasyon hinggil sa pagkakasira ng mga tubo ng Nord Stream.


Ayon dito, may kinalaman ang Intelligence Agency at tropang Amerikano sa nasabing insidente.


Pero, nananatiling tahimik ang mga media ng kanluran sa isyung ito.


Ngunit noong Marso 7, biglaan at kolektibong inilathala ng “New York Times,” “The Times” at mga media ng Alemanya, na isang “pro-Ukrainian group” ang may kagagawan sa pagkakasira ng mga tubo ng Nord Stream.


Kaugnay nito, sa isang panayam sa China Global Television Network (CGTN), sinabi ni Seymour Hersh, na nais lamang ng mga kanluraning media na ilipat ang atensyon ng publiko sa ibang usapin dahil walang kakayahan ang panig Ukrainian na gumawa ng ganitong aksyon.


Para sa mas maraming detalye, narito ang link ng panayam:

https://news.cgtn.com/news/2023-03-11/Watch-What-s-the-story-behind-Nord-Stream-pipeline-sabotage--1i5rKMPpMVa/index.html


Salin: Lito

Pulido: Rhio