Sa sesyon ng pagpipinid ng unang sesyon ng ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping na kailangang matatag at patuloy na isulong ang de-kalidad na pag-unlad.
Para rito, dapat aniyang mapalalim ang mga estratehiya sa edukasyon, pagtuturo sa mga talento, at inobasyon.
Dagdag ni Xi, buong sikap na patataasin at babaguhin ang estruktura ng industriya, babalansehin ang pag-unlad sa pagitan ng mga nayon at lunsod, at isusulong ang berde’t mababang karbong kabuhayan’t lipunan.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio