Pangulong Tsino, dadalo sa CPC and World Political Parties Summit

2023-03-13 16:08:48  CRI
Share with:

Sa ilalim ng temang “Path towards Modernization: the Responsibility of Political Parties,” ipinatalastas, Lunes, Marso 13, 2023 ni Hu Zhaoming, Tagapagsalita ng Departamentong Pandaigdig ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na sa pamamagitan ng video link, gaganapin, Marso 15, 2023 ang CPC and World Political Parties Summit.


Dadalo at bibigkas ng keynote speech sa summit si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, dagdag ni Hu.


Salin: Lito

Pulido: Rhio