44, patay sa pagguho ng lupa sa Indonesya

2023-03-13 15:56:28  CMG
Share with:


Rescuers work at the site of a landslide in Pangkalan village of Natuna district, Riau Islands, Indonesia, March 9, 2023. /Xinhua


Ipinahayag, Marso 12, 2023, ni Raja Darmika, Puno ng Yunit Pang-operasyon ng Disaster Management and Mitigation Agency ng Natuna Regency, umabot na sa 44 ang mga nasawi kaugnay ng pagguho ng lupa sa Riau Islands, dakong kanluran ng Indonesya.

 

Aniya pa, sa nasabing 44, 43 ay nakilala na.

 

Ayon naman kay Syariffuddin Muhammad, Kalihim ng naturang ahensya, mahigit 30 bahay ang nasira at umabot 2,234 katao ang lumikas.

 

Naganap aniya ang nasabing trahedya dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

 

Gamit sa gawaing panaklolo ang mga malalaking makinarya, personahe mula sa lokal na tanggapan ng pagliligats, lokal na ahensya ng pangangasiwa at pagbabawas ng kalamidad, at mga elemento ng militar at pulisya, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio