Sa sesyon ng pagpipinid ng unang sesyon ng ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ngayong araw, Marso 13, 2023, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping na kailangang aktuwal at matatag na pasulungin ang pakatarang isang bansa dalawang sistema at unipikasyon ng inang bayan.
Aniya, ang pag-unlad at konstruksyon ng bansa ay umaasa rin sa pangmatalagang katatagan at kasaganaan ng Hong Kong at Macao, kaya nararapat komprehensibo at matatag na isakatuparan ang mga prinsipyo’t hakbangin ng patakarang isang bansa dalawang sistema para suportahan ang pag-unlad ng kabuhayan ng Hong Kong at Macao, at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayang lokal.
Kaugnay ng isyu ng Taiwan, sinabi ni Xi na ang unipikasyon ng inang bayan ay komong hangarin ng buong nasyong Tsino.
Dapat aniyang igiit ang prinsipyong isang Tsina at “1992 Consensus,” aktibong pasulungin ang mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, at matatag na tutulan ang pakikialam ng mga dayuhang puwersa at mga separatistang aktibidad ng "pagsasarili ng Taiwan."
Salin: Ernest
Pulido: Rhio