CMG Komentaryo: Kasiglahan, ibinigay ng Dalawang Sesyon ng Tsina sa daigdig

2023-03-14 11:11:27  CRI
Share with:

Ipininid, Marso 13, 2023 sa Beijing ang unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.


Sa kanyang talumpati, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa bagong preseso ng pagtatayo ng isang malakas na bansa at pag-ahon ng Nasyong Tsino, dapat matatag na isulong ang de-kalidad na pag-unlad, masikap na itayo ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, at magpunyagi tungo sa pagkakamit ng mataas na antas na pagbubukas sa labas.


Ipinalalagay ng mga dayuhang media na ang plano ng Tsina sa kinabukasan ay hindi lamang nagpalabas ng direksyon ng sarili nitong pag-unlad, kundi nagdala rin ng kasiglahan sa daigdig.


Sa kapipinid na dalalawang sesyon ng Tsina, nagging mga masusing salita ang “modernisasyong Tsino o Chinese modernization” na pinag-uukulan ng napakalaking pansin.


Ang “modernisasyong Tsino” ay isang dakilang hangarin at proseso ng pag-unlad, kung saan nagagampanan ang napakahalagang papel ng “de-kalidad na pag-unlad” at “mataas na antas na pagbubukas sa labas.”


Lumipat na sa yugto ng de-kalidad na paglaki ang kabuhayang Tsino mula sa yugto ng mabilis na paglaki.


Ito’y sagisag na puspusang isinusulong ng Tsina ang mabisang pagtaas ng kalidad ng kabuhayan at makatuwirang paglaki ng bolyum nito.


Mula sa pagpapataas ng pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance, pagpapa-unlad ng sarili sa pamamagitan ng siyensiya’t teknolohiya at pagpapabuti ng industriya; hanggang sa pagpapasulong sa luntian’t mababang-karbong pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, nakamtan ng Tsina ang de-kalidad at kapansin-pansing bunga nitong ilang taong nakalipas.


“Mabebenepisyuhan ng pag-unlad ng Tsina ang daigdig, at ang pag-unlad ng Tsina ay hindi maihihiwalay sa daigdig. Dapat matibay na pasulungin ng Tsina ang mataas na antas na pagbubukas sa labas para hindi lamang mapaunlad ang sarili sa pamamagitan ng merkado at yaman ng daigdig, kundi mapasulong din ang komong kaunlaran ng buong daigdig,” wika ni Pangulong Xi.


Malalim nitong ipinakikita ang mainam na interaksyon sa pagitan ng Tsina at buong mundo, at ipinakikita ang di-nagbabagong determinasyon ng Tsina sa walang patid na pagpapalawak ng pagbubukas.


Salin: Lito

Pulido: Rhio