Makaraang mabangkarote ang Silicon Valley Bank, inilabas Linggo, Marso 12, 2023 ng Kagawaran ng Tesorarya, Federal Reserve at Federal Deposit Insurance Corporation (FDIC) ng Amerika ang magkakasanib na pahayag na nagsasabing isinara na ng organong tagapagsuperbisa sa lokalidad ang Signature Bank.
Ito ang ika-2 bangkong isinara ng organong tagapagsuperbisa at tagapamahala ng Amerika sa loob ng 3 araw.
Nakabase sa New York, ang Signature Bank ay isang komersyal na bangkong naglilingkod, pangunahing na, sa mga pribadong kompanya at mga senior manager nila.
Ayon sa nasabing pahayag, ang mga kapinsalaang dulot ng pagsasara ng naturang bangko ay hindi isasabalikat ng mga taxpayer.
Isasagawa ng mga awtoridad ang aksyon, para mapalakas ang kompiyansa ng publiko sa sistema ng pagbabangko, at upang mapangalagaan ang kabuhayan ng bansa, saad pa ng pahayag.
Salin: Vera
Pulido: Rhio