Lider ng iba’t-ibang bansa’t organisasyon, bumati sa muling pagkahalal ni Xi Jinping bilang pangulong Tsino

2023-03-14 10:31:01  CMG
Share with:

Magkakahiwalay na nagpahayag ng pagbati ang mga lider ng iba’t-ibang bansa’t organisasyon pandaigdig sa muling pagkahalal ni Xi Jinping bilang Pangulo ng Tsina.

 

Ayon kay Pangulong Yoon Suk-yeol ng Timog Korea, kamasa ni Xi, umaasa siyang mapapanatili ang mabuting ugnayan ng Timog Korea at Tsina tungo sa ibayo pang pagpapalalim ng kooperasyon at pagpapalitan.

 

Ipinahayag naman ni Ahmed Aboul Gheit, Pangkalahatang Kalihim ng Arab League (AL), na umaasa siyang maisasakatuparan ng mga mamamayang Tsino ang mas malaking progreso at pangmatalagang kasaganaan.

 

Nakahanda aniya ang AL na ibayo pang pataasin ang estratehikong partnership sa Tsina.

 

Kasama sa iba pang dayuhang lider na bumati kay Xi ay sina Pangulong Hakainde Hichilema ng Zambia, Heneral Raul Castro ng Cuba, Pangulong Paul Kagame ng Rwanda, Punong Ministro Sheikh Hasina ng Bangladesh at Punong Ministro Dickon Mitchell ng Grenada.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio