Pag-unlad ng kabuhayang Tsino, nananatiling matatag

2023-03-15 15:13:01  CMG
Share with:

Ayon sa mga datos na inilabas ngayong araw, Marso 15, 2023 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina (NBS), nananatiling matatag ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino noong nagdaang Enero at Pebrero ng taong ito.

 

Sa larangan ng industriya, ang industrial added value above designated size ay tumaas ng 2.4% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.

 

Ang Purchasing Managers’ Index (PMI) noong nagdaang Pebrero ay umabot sa 52.6% na tumaas ng 2.5% kumpara sa nagdaang Enero.

 

Sa larangan ng serbisyo, ang Index of Service Production (ISP) ay tumaas ng 5.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.

 

Lumaki naman ang market sales at pamumuhunan ng Tsina noong nagdaang Enero at Pebrero. Ang kabuuang halaga ng retail sales ng mga paninda ay umabot sa mahigit 7.7 trilyong yuan Renminbi na lumaki ng 3.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022 at ang halaga ng pamumuhunan sa mga fixed assets ay umabot sa mahigit 5.3 trilyong yuan Renminbi na lumaki ng 5.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.

 

Sa larangan ng kalakalang panlabas, ang bolyum ng kalakalang panlabas ay umabot sa mahigit 6.1 trilyong yuan Renminbi na bumaba ng 0.8% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022. Ang trade surplus ay umabot sa mahigit 810 bilyong yuan Renminbi.

 

Nananatiling matatag ang kalagayan ng hanap-buhay at presyo ng konsumo noong nagdaang Enero at Pebrero. Ang karaniwang surveyed urban unemployment rate ay umabot sa 5.6% at ang Consumer Price Index (CPI) ay tumaas ng 1.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.

 

Ang Producer Price Index (PPI) ay bumaba ng 1.1% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil