White paper sa cyberspace governance ng Tsina, inilabas

2023-03-16 15:43:03  CMG
Share with:

 

Inilabas ngayong araw, Marso 16, 2023 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang China's Law-Based Cyberspace Governance in the New Era, para ilahad ang tungkol sa pangangasiwa sa cyberspace batay sa batas at pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayang Tsino.

 

Anito, sapul noong 2019, sinuri ng pamahalaang Tsino ang 3.22 milyong application at ipinagbawal ang halos 3,000 iligal na application.

 

Ang naturang mga aksyon ay mabisang nagbigay-dagok sa mga iligal na gawaing nakakapinsala sa pribasiya ng mga mamamayan at nagpataas ng kamalayan ng mga mamamayan sa pangangalaga sa sariling impormasyon, dagdag ng dokumento.

 

Kasunod ng pag-unlad ng didyital na ekonomiya, lumilitaw ang mga iligal na aksyon hinggil sa pribadong impormasyon ng mga mamamayan.

 

Anang white paper, ang mga ito ay malubhang nakapinsala sa kaligtasan ng mga mamamayan, at normal na kaayusan ng lipunan at kabuhayan.

 

Dagdag pa nito, dapat pahigpitin ang pangangasiwa sa cyberspace batay sa batas para itatag ang mabuti at ligtas na kapaligiran ng cyberspace.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio