Nag-usap sa telepono Huwebes, Marso 16, 2023 sina Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Dmytro Kuleba, Ministrong Panlabas ng Ukraine.
Ipinahayag ni Qin, na ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa ay nagkakaroon ng magandang pundasyon at malakas na nakatagong lakas. Ani pa ni Qin, ang konstruksyon ng modernisasyong Tsino ay magkakaloob ng mas malaking pagkakataon para sa kooperasyon ng dalawang bansang may mutuwal na kapakinabangan.
Ipinahayag naman ni Kuleba na ang Tsina ay hindi lamang mahalagang partner ng Ukraine, kundi maging sa masusing bansa sa mga suliraning pandaigdig.
Saad pa niyang patuloy na igigiit ng Ukraine ang prinsipyong isang Tsina, at igagalang ang kabuuan ng teritoryo ng Tsina.
Kasama ng Tsina, nakahanda aniya ang Ukraine na mapalalim ang pagtitiwalaan sa isa’t isa at kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Inilahad din ni Kuleba kay Qin ang pinakahuling kalagayan ng krisis ng Ukraine at prospek ng talastasang pangkapayapaan.
Pinasalamatan niya ang makataong tulong ng Tsina sa Ukraine.
Umaasa rin aniya siyang mapapanatili ang pagkontak sa panig Tsino sa isyung ito.
Idiniin ni Qin na palagiang iginigiit ng Tsina ang obdyektibo at makatarungang paninindigan sa isyu ng Ukraine.
Umaasa aniya siyang mapapanatili ng mga may kinalamang panig ang pagtitimpi at mapapanumbalik ang talastasang pangkapayapaan sa lalong madaling panahon.
Sinabi pa ni Qin, na patuloy na gaganap ang Tsina ng konstruktibong papel para sa tigil-putukan, paghupa ng krisis at pagbabalik sa kapayapaan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil