Kabataang taga-Hong Kong, may lubos na kompiyansa sa pangmatagalan at matatag na pag-unlad ng kanilang lugar

2023-03-19 14:34:01  CRI
Share with:

Sa kanyang talumpati kamakailan sa Ika-52 Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), ipinahayag ni Alex Yeung Ching Loong, kabataan mula sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at kinatawan ng UN Association of China, na malakas ang kanyang kompiyansa na matatamo ang pangmatagalan at matatag na pag-unlad ng Hong Kong.


Aniya pa, isang espesyal at masiglang lunsod ang Hong Kong, at bilang bahagi ng Tsina, ito ay tulay sa pagitan ng silangan at kanluran.


Napapangalagaan aniya ng Batas ng Pambansang Seguridad sa Hong Kong ang katatagan at kaligtasan ng lugar.


Ipinagkakaloob nito ang mabuting kondisyon para sa pag-unlad ng kabuhayan, saad pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio