Dapat sundin ang regulasyon ng Amerika, pinag-ugatan ng pagbomba sa tubo ng Nord Stream — Seymour Hersh

2023-03-19 14:39:22  CRI
Share with:

Ayon sa pinakabagong artikulo ng Pulitzer Prize-winning journalist na si Seymour Hersh, ang ugat ng pagkasira ng tubo ng Nord Stream ay ang gawain ng Amerika na puwersahang pagpapataw ng sarili nitong kagustuhan sa iba.


Dagdag ni Hersh, nitong ilampung taong nakalipas, hinahadlangan ng mga administrasyong Amerikano ang pagsuplay ng enerhiya ng Rusya sa Europa, sa pamamagitan ng pagbabawal at sangsyon.


Nang manungkulan si Joe Biden bilang pangalawang pangulong Amerikano noong 2014, binalaan niya ang Rusya na sumunod sa regulasyon ng Amerika, dagdag ni Hersh.


Ito aniya ay ang ugat ng pagpapabomba sa tubo ng Nord Stream pagkatapos ng walong taon.


Makaraang umupo sa puwesto si Biden bilang pangulo, binalewala niya ang kapakanan ng mga alyansang Europeo, at inaprobahan ang pagsira sa nasabing tubo noong isang taon, siwalat ni Hersh.


Ngunit posible aniyang hindi kailanman aminin ni Biden at kanyang grupo ang kanilang ginawa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio