Sa kanyang talumpati sa Ika-52 Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) kamakailan, ibinunyag ng isang kinatawan mula sa Xinjiang ng Tsina ang kapinsalaang dulot ng terorismo.
Napakarami aniyang kapinsalaan sa buhay at ari-arian ang naging resulta ng mga teroristikong insidente, nagdulot ng napakalaking kasiraan sa katatagang panlipunan, at nagbigay ng napakalaking pasakit sa mga mamamayan ng iba’t-ibang nasyonalidad.
Malubhang nilalapastangan ng terorismo ang karapatan sa buhay, eksistensiya, at kaunlaran, aniya pa.
Sinabi niyang ang terorismo ay komong hamon sa buong sangkatauhan, at komong kaaway ng sangkatauhan ang mga terorista.
Ang pagpawi sa ekstrimismo sa Xinjiang ay pundamental na polisya para labanan ang terorismo, at walang anumang problema sa usapin ng diskriminasyong panlahi sa prosesong ito, dagdag pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio