Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Rong Yi, Pangkalahatang Tagadisenyo ng Long March-2F rocket, na kasalukuyang sinusubok-yari ang bagong henerasyon ng manned rocket, at tinatayang matatapos ang unang paglipad nito sa 2027.
Samantala, kasalukuyan din aniyang sinusubok-yari ang bagong henerasyon ng manned spacecraft at lunar lander.
Ang bagong henerasyon ng manned spacecraft ay kayang magsakay ng tatlong astronaut habang pumapaimbulog sa orbita ng Buwan at makakabalik din ito sa planetang Mundo.
Ang lunar lander naman ay kayang magsakay ng dalawang astronaut pababa sa Buwan upang magsaliksik.
Narito ang modelo ng bagong henerasyon ng manned spacecraft at lunar lander na kasalukuyang naka-eksibit, handog ng Pambansang Museo ng Tsina.
Bagong henerasyon ng Lunar lander (sa kaliwa) at manned spacecraft (sa kanan) na nakadispley sa Pambansang Museo ng Tsina.
Salin: Lito
Pulido: Rhio