Artikulo ni Xi Jinping, inilabas sa media ng Rusya

2023-03-20 14:41:44  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Marso 20, 2023 sa Russian Gazette, dyaryo ng Rusya at website ng RIA Novosti News Agency ang pirmadong artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pinamagatang Forging Ahead to Open a New Chapter of China-Russia Friendship, Cooperation and Common Development.

 

Sinabi ni Xi na nitong nakalipas na 10 taon, malaking progreso ang natamo ng kooperasyon Sino-Ruso sa iba’t-ibang larangan.

 

Ang Tsina at Rusya aniya ay pinakamalaking magkapitbansa at komprehensibong estratehikong magkapartner.

 

Kapuwa iginigiit ng dalawang bansa ang independiyenteng patakarang panlabas at inilalagay sa priyoridad ng kani-kanilang diplomasya ang relasyong Sino-Ruso, dagdag ni Xi.

 

Ani Xi, layon ng kanyang pagdalaw sa Rusya na pasulungin ang pagkakaibigan, kooperasyon at kapayapaan.

 

Umaasa aniya siyang babalangkasin, kasama ng kanyang counterpart na si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, ang bagong blueprint, bagong hakbangin at bagong prospek ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong panahon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio