Xi at Putin, nagtagpo

2023-03-20 23:53:04  CMG
Share with:

Nagtagpo ngayong araw, Marso 20, 2023, sa Moscow, Rusya, sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

 

Sa pagtatagpo, sinabi ni Xi, na ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Rusya ay hindi lamang nagtatanggol ng pagkakapantay-pantay at katarungan ng daigdig, kundi nagpapasulong din sa komong kasaganaan at kaunlaran ng dalawang bansa.