Mga Klasikong Sinipi ni Xi Season II, sinimulan ang pag-eere sa Rusya

2023-03-20 23:52:00  CMG
Share with:

Sa bisperas ng dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Rusya, sinimulan kahapon, Marso 19, 2023, sa mga pangunahing tsanel ng telebisyon ng Rusya ang pagsasahimpapawid ng bersyong Ruso ng Mga Klasikong Sinipi ni Xi Season II, na ginawa ng China Media Group (CMG).

 

Sa seremonya ng paglulunsad ng naturang programa na idinaos Marso 20, sa Moscow, nagtalumpati sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at Oleg Dobrodeev, CEO ng All-Russian State Television and Radio Broadcasting Company.

 

Ipinahayag nilang, bilang tugon sa Global Civilization Initiative, patitingkarin ng kani-kanilng media ang papel para pahigpitin ang pagpapalitan at pag-uugnayan ng Tsina at Rusya, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.