Xi Jinping, nasa Moscow

2023-03-20 23:50:37  CMG
Share with:

Dumating ngayong hapon, Marso 20, 2023, ng Moscow, Rusya, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang dalaw pang-estado sa bansang ito.

 

Inihandog ng panig Ruso sa paliparan ang maringal na seremonyang panalubong para kay Xi.

 

Sa kanyang nakasulat na talumpati pagkaraang lumapag, ipinahayag ni Xi ang kagalakan sa muling pagdalaw sa Rusya.

 

Ipinahayag din niya ang pag-asang, sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, bubuuin ang blueprint para sa estratehikong koordinasyon at pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Rusya sa bagong panahon, at ibibigay ang bagong lakas sa malusog at matatag na pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.


Editor: Liu Kai