Ulat sa demokratikong kalagayan ng Amerika, inilabas ng Tsina

2023-03-20 16:16:43  CMG
Share with:

Isang ulat ang isinapubliko ngayong araw, Marso 20, 2023 sa website ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) hinggil sa demokratikong kalagayan ng Amerika sa taong 2022.

 

Sa pamamagitan ng mga totoong pangyayari at analisasyon ng mga dalubhasa, ipinakita ng ulat ang mga kaguluhang panloob sa Amerika, at mga kaguluhan at kapinsalaan sa daigdig na dulot ng pagpipilit ng Amerika sa ibang bansa na tanggapin ang modelo ng demokrasya nito.

 

Tinukoy ng ulat, na ang demokrasya ay komong pagpapahalaga ng buong daigdig, pero walang anumang modelo at sistemang pulitikal na maaring umangkop sa lahat ng mga bansa, kaya dapat piliin ng iba’t-ibang bansa ang demokratikong sistema na angkop sa sariling kalagayan.

 

Anito pa, ang mga mamamayan lamang ang may kapangyarihan sa pagtasa sa kalagayang demokratiko ng kanilang bansa.

 

Ang kalayaan, demokrasya, at karapatang pantao ay komong hangarin ng buong sangkatauhan, at ang mga ito ay mga prinsipyong palagiang iginigiit ng Partido Komunista ng Tsina, diin ng ulat.


Kasama ng iba’t-ibang bansa, nakahanda anito ang Tsina na pahigpitin ang pagpapalitan at pag-aaral hinggil sa isyu ng demokrasya para patingkarin ang mga komong pagpapahalaga ng sangkatauhan gaya ng kapayapaan, kaunlaran, katarungan, pagkakapantay-pantay, demokrasya at kalayaan; at pasulungin ang pagsasademokrasya ng relasyong pandaigdig at progreso ng buong sangkatauhan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio