CMG Komentaryo: tumpak na landas ng pakikipamuhayan ng mga bansa, ipinakikita ng relasyong Sino-Ruso

2023-03-21 11:13:16  CRI
Share with:

Dumating hapon ng Marso 20 (local time), 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Moscow upang pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa Rusya.


Ito ang kauna-unahang biyahe ni Xi makaraang manungkulan siya bilang pangulo ng bansa na nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga ng panig Tsino sa komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Rusya sa makabagong panahon.


Ang mas mahusay at matatag na relasyong Sino-Ruso ay nakakatulong sa pangangalaga sa kaligtasan at katatagan ng buong mundo. Ito ang totoong positibong ari-arian ng daigdig.


Sa kanyang nakasulat na talumpati sa paliparan, ipinahayag ni Xi ang kanyang pananabik na malalimang magpapalitan ng kuru-kuro sila ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya tungkol sa bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.


Sa kanyang pirmadong artikulong naunang inilabas ni Xi sa mediang Ruso, tinukoy niyang susi ng pagkaranas ng relasyong Sino-Ruso sa pagsubok ng pagbabago ng situwasyong pandaigdig ay paghahanap ng tumpak na landas ng pakikipamuhayan ng mga bansa. Inihayag din niya ang positibong inaasahan sa komprehensibong pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa susunod na yugto.


Nitong mga taong nakalipas, kahit anong pagbabago sa situwasyong pandaigdig, palagiang napapanatili ng mga lider ng Tsina at Rusya ang malalim na pagkokoordinahan at regular na pagdadalawan.


Sa kanilang estratehikong pamumuno, walang patid na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, lumalawak ang pragmatikong kooperasyon, at sinusuportahan ng mga mamamayang Sino-Ruso ang pagkakaibigan sa hene-henerasyon.


Pananalig na ang “mapagkaibigan, kooperatibo, at mapayapang biyahe” ni Xi sa Rusya sa Tagsibol ay tiyak na makakamtan ang mayamang bunga.


Ito ay magkakaloob ng bagong puwersang tagapagpasulong sa malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon, makakalikha ng mas maraming benepisyo ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at makakapagbigay ng mas malaking ambag para sa kaunlarang pandaigdig.


Salin: Lito

Pulido: Ramil