(Updated)Xi Jinping at Vladimir Putin, nagtagpo sa Kremlin

2023-03-21 10:08:23  CMG
Share with:

Nag-usap Lunes, Marso 20, 2023 sa Kremlin ng Moscow sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Vladimir Putin ng Rusya hinggil sa relasyong Sino-Ruso at mga isyung kapwa nila ipinahahalagahan.


Ipinahayag ni Xi na ikinagagalak niya ang pagdalaw sa Rusya sa paanyaya ni Putin.


Idiniin niyang ang Tsina at Rusya ay pinakamalaking kapitbansa at komprehensibong estratehikong partnership, at saka ang relasyon ng dalawang bansa ay nasa priyoridad ng kani-kanilang diplomasya.


Tinukoy ni Xi na kapwa nagpupunyagi ang dalawang bansa para sa pag-unlad ng bansa at kumakatig sa multi-polarization ng daigdig at nagpapasulong ng pagiging demokrasya ng relasyong pandaigdig.


Saad ni Xi na dapat ibayo pang palalimin ng dalawang panig ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan, pahigpitin ang pagkokoordinahan at pag-uugnayan sa mga multilateral na plataporma na gaya ng United Nations, at pasulungin ang kani-kanilang pag-unlad at kapayapaan at katatagan ng buong daigdig.


Mainit na tinanggap ni Putin ang pagdalaw ni Xi. Sinabi niyang ang kapansin-pansing bunga ng Tsina noong nakaraang 10 taon ay nagpapakita ng bentahe ng pambansang sistema ng Tsina.


Kasama ng Tsina, nakahanda ang Rusya na patuloy na palalimin ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang panig, pahigpitin ang pagkokoordinahan at pag-uugnayan sa mga suliraning pandaigdig at pasulungin ang proseso ng multi-polarization ng daigdig at pagsasademokrasya ng relasyong pandaigdig.


Malalimang nagpalitan sina Xi at Putin ng palagay hinggil sa isyu ng Ukraine.


Sinabi ni Xi na batay sa karanasan ng kasaysayan, ang anumang mga sagupaan ay dapat lutasin, wakasan, sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan.


Idiniin ni Xi na kahit kinakaharap ang mga hamon at kahirapan, dapat igiit ang paglutas sa krisis ng Ukraine sa pamamagitan ng mapayapang paraan.


Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na gumanap ng konstruktibong papel sa pagpapasulong ng pulitikal na paglutas sa isyung ito.


Ipinahayag ni Putin na mataimtim na pinag-aralan ng Rusya ang dokumento ng Tsina hinggil sa pulitikal na paglutas sa isyung ito at bukas ang atityud ng Rusya sa talastasang pangkapayapaan.


Winelkam niya ang pagganap ng Tsina ng konstruktibong papel para rito.


Kapwa ipinahayag ng dalawang pangulo na isasagawa ang ika-2 beses na pag-uusap sa Marso 21.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil