CMG Komentaryo: Iraq, napinsala ng Demokrasyang Amerikano

2023-03-21 17:52:50  CMG
Share with:

Noong Marso 20, 2003, inatake ng Amerika ang Iraq sa pangangatwiran ng pagkaroon ng malawakang pamuksang sandata ng Iraq. Ang pag-atake ay nagdulot ng pagkamatay ng mahigit 200 libong mamamayang Iraqi at pagiging mga refugee ng mahigit 9 milyong Iraqi.


Pagkaraan ng 20 taon, hindi pa ring gumaling ang Iraq mula sa nasabing pag-atake.


Ayon sa datos ng Food and Agriculture Organization of the United Nations, dahil sa epekto ng sangsyon at embargo ng Amerika, mataas ang hunger rate ng Iraq. Mula 1990 hanggang 1995, mahigit 500 libong batang Iraqi ang namatay dahil sa gutom at malubhang kondisyon ng pamumuhay.


Para sa sariling kapakanan, laging ginagamit ng Amerika ang unilateral na sangsyon sa ibang bansa. Ito ang katotohanan ng di’umanoy demokrasyang Amerikano.


Bukod dito, palagiang isinagawa ng Amerika ang pag-atake sa ibang mga bansang gaya ng Iraq sa pangangatwiran ng pagkalat ng demokrasyang Amerikano.


Ibig-sabihin, ang demokrasyang Amerikano ay ginagamit ng Amerika para pagtakpan ang tunay na layunin ng pangangalaga sa sariling hegemoniya sa buong dagidig.


Halimbawa, idinaos ng Amerika ang Summit for Democracy para mahati ang daigdig sa bloc ng demokrasya at bloc ng di-demokrasya. Layon nito ay palawakin ang paghihiwalay sa buong daigdig.


Ang Iraq ay isa sa mga biktima ng di-umano’y demokrasyang Amerikano. Kung hindi pagsisisihan ng Amerika ang sariling kamalian, mas maraming bansa sa buong daigdig ang mapipinsala ng demokrasyang Amerikano.

 

Salin: Ernest

Pulido: Ramil