Double standard ng Amerika sa isyu ng Korean Peninsula, pinuna ng Tsina

2023-03-21 14:03:40  CMG
Share with:

 

Sa pansamantalang pulong ng United Nations Security Council (UNSC) Lunes, Marso 20, 2023, pinuna ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, ang paggamit ng double standard ng Amerika sa isyu ng Korean Peninsula.

 

Sinabi ni Geng na sa isyu ng pagpigil sa pagpapalaganap ng sandatang nuklear, isinagawa ng Amerika ang restriksyon sa Hilagang Korea, sa kabilang dako naman, ipinagkaloob ng Amerika ang weapon grade nuclear material sa Australia. Ito aniya ay tipikal na double standard at malubhang nakapinsala sa kredibilidad ng UNSC.

 

Ipinahayag ni Geng na dapat enkorahehin ng mga kasaping bansa ng UNSC ang pagpapanumbalik ng diyalogo sa Hilagang Korea at likhain ang kondisyon para sa pagpapahupa ng tensyon sa peninsula.

 

Nanawagan din si Geng sa mga may kinalamang bansa na itakwil ang ideya ng Cold War at bloc confrontation at aktuwal na isakatuparan ang sariling obligasyon sa di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil