Magkasanib na pahayag, nilagdaan ng mga lider ng Tsina at Rusya; mapayapang paglutas sa krisis ng Ukraine, ipinagdiinan

2023-03-22 11:58:30  CRI
Share with:

Kremlin, Moscow Magkasamang nilagdaan at inilabas hapon ng Marso 21 (local time), 2023 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang “Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Rusya Tungkol sa Pagpapalalim ng Komprehensibo’t Estratehikong Partnership sa Makabagong Panahon.”


Kaugnay ng isyu ng Ukraine, ipinalalagay ng kapwa panig na dapat tupdin ang layunin at prinsipyo ng “United Nations (UN) Charter,” at dapat ding igalang ang pandaigdigang batas.


Binigyan ng positibong papuri ng panig Ruso ang obdiyektibo at pantay na posisyon ng panig Tsino sa isyu ng Ukraine.


Inulit din ng panig Ruso ang pagpupunyagi nito para mapanumbalik ang talastasang pangkapayapaan sa pinakamadaling panahon. Hinahangaan naman ito ng panig Tsino.


Ipinagdiinan ng kapwa panig na ang responsableng diyalogo ay pinakamabuting paraan sa paglutas sa krisis.


Para rito, dapat suportahan ng komunidad ng daigdig ang kaukulang konstruktibong pagsisikap. Tinututulan din ng dalawang panig ang anumang unilateral na sangsyong walang awtorisasyon ng UN Security Council.


Salin: Lito

Pulido: Ramil