Tsina at Rusya, pagpapalalim ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng koordinahan sa makabagong panahon

2023-03-22 12:01:01  CRI
Share with:

Sa pag-uusap nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Vladimir Putin ng Rusya Martes, Marso 21, 2023 sa Moscow, buong pagkakaisa nilang sinang-ayunan ang pagpapalitan at pagtutulungan alinsunod sa prinsipyong pangkaibigan, pangkapitbansa at pangkooperasyon, pasulungin ang kooperasyon at pagpapalagayan sa iba’t ibang larangan at palalimin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng koordinahan sa makabagong panahon.


Idinaos ng dalawang pangulo ang small-group talks at large-group talks.


Ipinahayag ni Xi na ang kanyang dalaw pang-estado sa Rusya ay isang biyahe ng pagkakaibigan, kooperasyon at kapayapaan.


Kasama ng Rusya, nakahanda aniya ang Tsina na likhain ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at bigyan ng mas malaking ambag ang progreso ng buong sangkatauhan.


Tinukoy ni Xi na dapat magkasamang magsikap ang Tsina at Rusya para pasulungin ang pandaigdig na pangangasiwa patungo sa direksyon ng ekspektasyon ng komunidad ng daigdig.


Dagdag pa ni Xi, dapat katigan ng dalawang bansa ang mga isyu ng kani-kanilang nukleong kapakanan, magkasamang tanggulan ang pakiki-alam ng ibang puwersa sa mga suliraning panloob, at pahigpitin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga suliraning pandaigdig para pasulungin ang pag-unlad ng tunay na multilateralismo.


Pinakinggan nina Xi at Putin ang ulat hinggil sa kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.


Tinukoy ni Xi na malakas ang nakatagong lakas ng kooperasyon ng dalawang bansa, dapat palawakin ng dalawang panig ang tradisyonal na kalakalang gaya ng enerhiya, yaman, at produktong makinarya at elektronikal, at pahigpitin ang kooperasyon sa mga larangan ng serbisyo, teknolohiya ng impormasyon, digital economy at agrikultura.


Umaasa rin si Xi na pasusulungin ang pagpapalitan sa pagitan ng mga lalawigan at lungsod ng dalawang bansa, at pagpapalagayan sa pagitan ng kanilang mga mamamayan.


Ipinahayag naman ni Putin na sa kasalukuyan, mainam talaga ang relasyong Sino-Ruso at malaki ang progreso ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.


Umaasa aniya siyang lubos na mapapasulong ng dalawang bansa ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, enerhiya, pamumuhunan, usaping pangkalawakan, transnasyonal na transportasyon, kultura, at turismo sa bagong antas.


Sinabi niyang matatag na kinatigan ng Rusya ang pangangalaga ng Tsina sa sariling lehitimong kapakanan sa mga isyung may kinalaman sa Taiwan, Hong Kong at Xinjiang.


Saad pa ni Putin, hinangaan din ng Rusya ang makatarungan at obdiyektibong paninindigan ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig at kinatigan ang Global Security Initiative, Global Development Initiative, Global Civilization Initiative na iniharap ng panig Tsino.


Kasama ng Tsina, nakahanda ang Rusya na ibayo pang pahigpitin ang pagkokoordinahan sa mga suliraning pandaigdig, dagdag pa ni Putin.


Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang nilagdaan nina Xi at Putin ang dalawang magkasanib na pahayag ng Tsina at Rusya na gaya ng Deepening the Comprehensive Strategic Partnership of Coordination for the New Era at Pre-2030 Development Plan on Priorities in China-Russia Economic Cooperation.


Bukod dito, magkasamang kinatagpo nila ang mga mamamahayag sa Kremlin.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil