MoC, nilagdaan ng CMG at Russian Gazette

2023-03-22 11:57:01  CRI
Share with:

Sa okasyon ng biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Rusya, nilagdaan sa Moscow Marso 21, 2023 nina Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), at Pavel Negoitsa, Presidente ng pahayagang Ruso na Russian Gazette, ang “Memorandum of Cooperation ng CMG at Russian Gazette.”


Upang ibayo pang mapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga mediang Tsino at Ruso, sinang-ayunan ng kapwa panig na itatag ang regular na mekanismong pangkooperasyon at isagawa ang malawakang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng pagpapalitan ng mga balita, pagsasanay ng mga tauhan, at pagpapalitang teknikal.


Sa seremonya ng paglalagda, sa ngalan ng Russian Gazette, ipinaabot ni Pavel Negoitsa ang taos-pusong pagbati sa ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng CMG.


Salin: Lito

Pulido: Ramil