Kooperasyon ng China Media Group at Russian Television and Radio Broadcasting Company, palalalimin

2023-03-22 10:33:39  CMG
Share with:

 

Nilagdaan Martes, Marso 21, 2023 sa Moscow ng China Media Group (CMG) at Russian Television and Radio Broadcasting Company (RTR) ang Memorandum of Cooperation(MoC)para pasulungin ang kanilang komprehensibong kooperasyon sa iba’t ibang antas at larangan.

 

Sumang-ayon ang dalawang panig sa magkasanib na pagdebelop at paggamit ng mga mahalagang historical video at pic data.

 

Sa seremonya ng paglalagda, ibinigay ng RTR sa CMG ang mga bagong natuklasang historical video at pic data.

 

Ang palaman ng naturang mga data ay may kinalaman sa pananalakay at kolonyal na paghahari ng Hapon sa dakong hilagang-silangan ng Tsina noong 1930s.

 

Ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG na dapat ibahagi ng dalawang panig ang mga resource sa isa’t isa at mabisang gamitin ang mga historical data para palalimin ang pagkakaunawaan at tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil