FM ng Tsina: Mahalaga ang katuturan ng pagdalaw ni Xi sa Rusya

2023-03-23 15:01:07  CMG
Share with:

Ipinahayag Miyerkules, Marso 22, 2023 ni Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina, na mabunga ang katatapos na dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Rusya at ipinakita nito ang matatag na paninindigan ng bansa sa pagpapasulong ng kapayapaang pandaigdig.

 

Ani Qin, ang relasyong Sino-Ruso ay alinsunod sa mga prinsipyo ng hindi pag-alyansa, hindi pagsasagawa ng komprontasyon, at hindi pagtugon sa ikatlong panig.

 

Ang mga ito ay tungo sa pagpapasulong ng pag-unlad ng dalawang bansa at pangangalaga sa pandaigdigang katarungan at pagkakapantay-pantay.

 

Ang relasyong ito aniya ay nagtatag ng modelo ng bagong uri ng relasyon sa pagitan ng malalaking bansa, saad pa niya.

 

Kaugnay ng isyu ng Ukraine, sinabi ni Qin na isinagawa nina Xi at kanyang counterpart na si Vladimir Putin ng Rusya ang matapat at malalim na pagpapalitan.

 

Aniya, mataimtim na pinag-aralan ng panig Ruso ang dokumento ng paninindigang Tsino sa isyung ito at bukas ang atityud ng panig Ruso sa talastasang pangkapayapaan.

 

Winelkam ng panig Ruso ang pagganap ng Tsina ng konstruktibong papel sa isyung ito, dagdag pa niya.

 

Saad ni Qin, taos-pusong pinasusulong ng panig Tsino ang tigil-putukan sa Ukraine at talastasang pangkapayapaan sa halip na panunulsol ng heograpikal na sagupaan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio