Mensahe ng pakikiramay kaugnay ng tropical cyclone sa Malawi at Mozambique, ipinadala ni Xi Jinping

2023-03-23 14:58:29  CMG
Share with:

Ipinadala, Lunes, Marso 20, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga mensahe kina Pangulong Lazarus Chakwera ng Malawi at Pangulong Filipe Nyusi ng Mozambique bilang pakikiramay sa pinsalang idinulot ng tropical cyclone sa dalawang bansa.

 

Sa ngalan ng Pamahalaang Sentral at mga mamamayang Tsino, ipinahayag ni Xi ang taos-pusong pakikidalamhati sa mga biktima at matapat na pakikiramay sa kanilang mga kamag-anakan at mga nasugatan.

 

Naniniwala aniya siyang siguradong mapagtatagumpayan ng dalawang bansa ang kalamidad at muling maitatayo ng mga mamamayan ang kanilang mga tahanan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio