MOFA: Paglutas sa isyu ng Taiwan, sariling suliranin ng mga Tsino

2023-03-24 15:16:06  CMG
Share with:

Kaugnay ng pananalita ni Secretary of State Antony Blinken ng Amerika na may kakayahan ang Tsina sa pananalakay sa Taiwan bago ang taong 2027, idiniin Huwebes, Marso 23, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang Taiwan ay nabibilang sa Tsina at ang paglutas sa isyu ng Taiwan ay sariling suliranin ng mga Tsino na dapat sariling ipasiya ng mga Tsino.


Ipinahayag ni Wang na palagiang iginigiit ng Tsina ang pagsasakatuparan ng mapayapang reunipikasyon ng bansa, sa pamamagitan ng pinakamalaking pagsisikap at katapatan.


Aniya pa, ang posisyong hindi itakwil ang paggamit ng dahas ay nakatugon sa mga pakikialam ng mga dayuhang puwersa at mga separatista at kanilang mga aksyon patungo sa “pagsasarili ng Taiwan.”


Tinukoy ni Wang na kung tunay na umaasa ang Amerika na mapayapa at matatag ang Taiwan Strait, dapat sundin nito ang prinsipyong isang Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa, aktuwal na ipatupad ang pangako ng lider ng Amerika sa hindi pagkatig sa “pagsasarili ng Taiwan”, at itigil ang pakikialam sa isyu ng Taiwan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil