Sa ika-23 na pagsasanggunian ng mga Ministring Panlabas ng Tsina at Pilipinas na idinaos Huwebes, Marso 23, 2023 sa Manila, kapwa ipinalalagay ng dalawang panig na patuloy na palalalimin ang kooperasyon sa agrikultura, imprastruktura, enerhiya at pagpapalitang tao-sa-tao.
Magkasamang pinanguluhan nina Sun Weidong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at kanyang counterpart na si Maria Theresa P. Lazaro ng Pilipinas ang pagsasangguniang ito.
Inulit din ng dalawang panig na maayos na hawakan ang mga hidwaan sa pamamagitan ng pagsasanggunian para pangalagaan ang mapagkaibigang kalagayan ng relasyong Sino-Pilipino.
Binigay ng dalawang panig ang positibong pagtasa sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Buong pagkakaisang ipinalalagay din ng dalawang panig na dapat magtampok sa kooperasyon ang Tsina at mga bansang ASEAN, para ang rehiyong ito ay maging sentro ng paglaki ng kabuhayan, at komong tahanan ng kani-kanilang mga mamamayan.
Nagpalitan din ang dalawang panig ng palagay hinggil sa mga isyung pandaigdig at panrehiyon.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil