Kinatagpo Huwebes, Marso 23, 2023 sa Manila si Sun Weidong, Pangalawang Ministrong Panlabs ng Tsina, ni Enrique A. Manalo, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Manalo na itinuring ng kanyang bansa na ang Tsina ay mahalagang kaibigan.
Umaasa aniya siyang mapapasulong ng dalawang panig ang pagsasakatuparan ng mga natamong bunga ng pagdalaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) sa Tsina noong nagdaang Enero ng 2023.
Ipinahayag ni Sun na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Filipino ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa.
Saad ni Sun na dapat maayos na isakatuparan ng dalawang panig ang mahalaga at estratehikong komong palagay na narating nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at PBBM para palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal at pasulungin ang aktuwal na kooperasyon.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), sinabi ni Manalo na kasama ng Tsina, nakahanda ang Pilipinas na pahigpitin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan, maayos na hawakan at kontrolin ang hidwaan at panatilihin ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Sun na dapat patuloy na maayos na hawakan ng dalawang bansa ang isyu ng SCS, igiit ang maayos na paghawak sa hidwaan sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasanggunian, at magkasamang pangalagaan ang relasyong Sino-Filipino at katatagang panrehiyon.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil