Tsina at New Zealand, magbibigay ng bagong lakas sa bilateral na relasyon

2023-03-25 18:40:01  CMG
Share with:

 

Nagtagpo kahapon, Marso 24, 2023, sa Beijing, sina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Sentral na Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Tsina, at Nanaia Mahuta, Ministrong Panlabas ng New Zealand.

 

Ipinahayag ni Wang ang pag-asang, palalakasin ng dalawang bansa ang pagtitiwalaan, at igigiit ang ideyang win-win, para bigyan ng bagong lakas ang bilateral na relasyon at pataasin ang kanilng pragmatikong kooperasyon sa bagong antas.

 

Sinabi naman ni Mahuta, na nakahanda ang New Zealand, kasama ng Tsina, na palakasin ang pagpapalitan sa mataas na antas, at palalimin ang kooperasyon sa iba’t ibang aspekto.

 

Nagpalitan din ng palagay ang dalawang panig tungkol sa krisis sa Ukraine.

 

Sinabi ni Wang, na ang pagsasakatuparan ng tigil-putukan at pagsasagawa ng talastasang pangkapayapaan ay pinakamahalaga sa kasalukuyan.

 

Ipinahayag naman ni Mahuta, na ang kapayapaan at kasaganaan ay inaasahan ng lahat, at sinusuportahan ng New Zealand ang pulitikal na paglutas sa mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo.


Editor: Liu Kai