Ipinalabas, hapon ng Marso 25, 2023 (lokal na oras) ng Ministring Panlabas ng Honduras ang deklarasyon ng pagputol sa umano’y “relasyong diplomatiko” sa Taiwan.
Tinukoy ng pahayag na kinikilala ng pamahalaan ng Honduras na iisa lang ang Tsina sa daigdig, ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay siyang tanging lehitimong pamahalaang kumakatawan ng Tsina, at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina.
Mula Marso 25, pinutol ng Honduras ang umano’y “relasyong diplomatiko” sa Taiwan at itinigil ang anumang pakikipag-ugnayang opisyal sa Taiwan.
Salin: Rhio