Tactical nuclear weapon, idedeploy ng Rusya sa Belarus —— Vladimir Putin

2023-03-26 14:40:50  CRI
Share with:

Ayon sa RIA Novosti, ipinahayag kamakailan ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na sa paanyaya ni Pangulong Alexander Grigoryevich Lukashenko ng Belarus, sumang-ayon ang Rusya na ideploy ang tactical nuclear weapon sa teritoryo ng huli.


Mula Abril 3 ng kasalukuyang taon, sisimulang sanayin ng Rusya ang mga kaukulang tauhan, at tatapusin ang konstruksyon ng mga pasilidad para sa pag-iimbak ng mga taktikal na sandatang nuklear sa Belarus.


Sa kabilang dako, ipinagdiinan ni Putin na ang nasabing kapasiyahan ay hindi nangangahulugang ililipat ng Rusya ang sandatang nuklear sa Belarus.


Nitong ilampung taong nakalipas, palagiang idinedeploy ng Amerika ang mga taktikal na sandatang nuklear sa teritoryo ng mga kaalyado nito.


Kapareho ng ginagawa ng Amerika, ganito rin ang gagawin ng Rusya, ani Putin.


Salin: Lito

Pulido: Rhio