Biyetnam at Kambodya, tutol sa taunang ulat ng Amerika sa karapatang pantao

2023-03-26 14:39:59  CRI
Share with:

Sinabi kamakailan ni Pangalawang Tagapagsalita Pham Thu Hang ng Ministring Panlabas ng Biyetnam na binalewala ng inilabas na “2022 Human Rights Report” ng Amerika ang totoong kalagayan ng karapatang pantao ng Biyetnam, at ito ay di-obdiyektibo.


Aniya, ang pangangalaga sa karapatang pantao at pagpapasulong ng usaping ito ay palagiang polisya ng Biyetnam.


Lubos na ikinalulungkot ng Biyetnam ang naturang ulat, diin niya.


Samantala, binatikos din kamakailan ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Kambodya ang naturang ulat ng Amerika.


Sinabi niya na may pagkiling at motibong pulitikal ang ulat na ito at nagbubunyag ng “American double standard.”


Dagdag diyan, itinanong niya sa panig Amerikano, kung bakit walang inilabas na ulat tungkol sa kalagayan ng karapatang pantao sa sariling bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio