Kaibigang grupo at personaheng Amerikano, kinatagpo ni Qin Gang

2023-03-26 14:36:34  CRI
Share with:

Beijing — Sa kanyang kolektibong pakikipagtagpo, Marso 25, 2023 sa mga dumadalaw na kaibigang grupo at personaheng Amerikano mula sa sirkulong industriyal at komersyal, tinukoy ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na walang anumang pagbabago ang atityud ng panig Tsino sa pagsusulong ng malusog, matatag, at konstruktibong relasyong Sino-Amerikano.


Palagian aniyang naninindigan ang panig Tsino na dapat maggalangan, at magkaroon ng mapayapang pakikipamuhayan at pagtutulungan ang Tsina at Amerika tungo sa win-win na resulta.


Ani Qin, umaasa ang panig Tsino na ititigil ng panig Amerikano ang pagpigil sa kaunlaran ng Tsina.


Nais aniya ng Tsina, na magsisikap kasama ng Amerika para magkasamang mapasulong ang ugnayan at mapawi ang kasalukuyang kahirapan.


Dagdag pa niya, winiwelkam ng panig Tsino ang patuloy na pamumuhunan ng mga kompanyang Amerikano sa Tsina.

 

Nakahanda ang panig Tsino na patuloy na magkaloob ng mas mabuting kapaligirang pangnegosyo sa mga bahay-kalakal ng iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng Amerika, diin niya.


Ipinahayag naman ng mga personaheng Amerikano ang kanilang suporta sa malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.


Umaasa anila silang ibayo pang mapapasulong ang pagpapalagayan ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan, at mapapalalim ang kooperasyon sa larangang pangkabuhaya’t pangkalakalan, at pampamumuhunan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio