Mensaheng pambati, ipinadala ng Pangulong Tsino sa CDF

2023-03-26 16:06:51  CRI
Share with:

Binasa ni Ding Xuexiang, Pangalawang Premyer ng Tsina ang mensaheng pambati ni Pangulong Xi Jinping.

Isang mensaheng pambati ang ipinadala Marso 26, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Porum ng Kaunlaran ng Tsina o China Development Forum (CDF) 2023.


Tinukoy sa mensahe ni Xi na kasalukuyang bumibilis ang napakalaking pagbabago sa situwasyong pandaigdig, madalas na nagaganap ang rehiyonal na sagupaan at kaguluhan, at mabagal ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.


Ani Xi, kinakailangan ang pagkakasundo at pagtutulungan para sa pagpapa-ahon ng kabuhayang pandaigdig. Iginigiit aniya ng Tsina ang pundamental na patakaran sa pagbubukas sa labas, at buong tatag na igigiit ang bukas na estratehiya para walang patid na magkaloob ng bagong pagkakataon sa pamamagitan ng kaunlaran ng Tsina.


Binuksan sa Beiing nang araw ring iyon ang taunang pulong ng CDF 2023 na may temang “Pagbangon ng Kabuhayan: Pagkakataon at Kooperasyon.”


Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Ding Xuexiang, pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng bansa.


Binasa niya ang mensaheng pambati ni Pangulong Xi at binigkas din ang keynote speech.


Salin: Lito