Taunang pulong ng BFA, idaraos mula Marso 28 hanggang 31

2023-03-27 16:04:31  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “An Uncertain World: Solidarity and Cooperation for Development amid Challenges,” idaraos mula Marso 28 hanggang 31, 2023 sa lunsod Boao, lalawigang Hainan, Tsina ang taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).

 

Kasabay nito, idaraos din ng pamahalaan ng Hainan ang porum ng pag-unlad ng malayang puwertong pangkalakalan sa buong daigdig na lalahukan ng mahigit 20 kinatawang galing sa Dubai, Timog Korea, Cambodia, at mga may kinalamang lugar ng Tsina.

 

Tatalakayin nila ang hinggil sa konstruksyon ng malayang puwertong pangkalakalan ng Hainan at papel nito sa pagpapasulong ng integrasyon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Ayon sa opisyal ng lalawigang Hainan, sa susunod na yugto ay pabibilisin ang konstruksyon ng naturang puwerto.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio