CMG Komentaryo: Prinsipyong isang Tsina, kinikilala ng buong daigdig

2023-03-27 16:01:13  CMG
Share with:

Pagkatapos ng pagkakapatid ng relasyon ng awtoridad ng Taiwan at Honduras, ipinatalastas Marso 26, 2023 ng People’s Republic of China at Republic of Honduras ang pagtatatag ng pormal na relasyong diplomatiko.

 

Hanggang sa kasalukuyan, 182 bansa ang may relasyong diplomatiko sa Tsina, at ito’y nagpapakitang ang prinsipyong isang Tsina ay komong palagay ng komunidad ng daigdig at prinsipyo ng relasyong pandaigdig.

 

Ang pagpili ng Honduras ay alinsunod ng tamang tunguhin ng kasaysayan at pagpili rin ng halos lahat ng bansa sa daigdig.

 

Ang pagtatayo ng pormal na relasyon ng Tsina at Honduras ay angkop din sa kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.

 

Ayon sa pahayag, tinatanggap ng panig Tsino ang pagsapi ng Honduras sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative, Global Development Initiative, Global Security Initiative at Global Civilization Initiative.

 

Nakahanda ang Tsina na pasulungin ang aktuwal na kooperasyon sa Honduras, palawakin ang pag-aangkat mula sa Honduras, at lumahok sa konstruksyon ng imprastruktura ng bansang ito, para makinabang ang mga mamamayan ng bansa sa nasabing relasyong diplomatiko.

 

Ipinangako ng Honduras na susundin ang prinsipyong isang Tsina at nakahanda itong ibayo pang pasulungin ang relasyon at kooperasyon sa iba’t-ibang larangan sa Tsina.

 

Ito ay makakatulong sa pagkakaisa at pagtutulungan sa pagitan ng mga umuunlad na bansa at pagsasademokrasya ng relasyong pandaigdig.

 

Ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina.

 

Ang paggigiit ng prinsipyong isang Tsina ay kinikilala ng buong daigdig at tiyak na mabibigo ang anumang pagsisikap para sa pagsasarili ng Taiwan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio