Ulat sa paglapastangan sa karapatang pantao ng Amerika, isinapubliko ng Tsina

2023-03-28 15:08:27  CMG
Share with:

 

Isinapubliko ngayong araw, Marso 28, 2023 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang ulat hinggil sa paglapastangan sa karapatang pantao ng Amerika sa taong 2022.

 

Anito, sa kabila ng pagtuturing ng Amerika sa sarili bilang "tagapagtanggol ng karapatang pantao,” labis na kumakalat sa buong bansa ang mga talamak na sakit-panlipunan gaya ng politika sa pera, diskriminasyong panlahi, karahasang dulot ng baril at mga pulis, at di-pantay na distribusyon ng yaman.

 

Malaking pina-atras ng lehislatura at hudikatura ng Amerika ang karapatang pantao, na siyang ibayo pang nakakapinsala sa mga saligang karapatan at kalayaan ng mga mamamayang Amerikano, dagdag ng ulat.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio