Sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Hou Yanqi, Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na napapanahon ang pagdaraos ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) sa 2023, at ito ay magdudulot ng pagkakataon at bagong landas ng pag-unlad para sa mga bansang ASEAN.
Sa ilalim ng temang “An Uncertain World: Solidarity and Cooperation for Development amid Challenges,” idinaraos mula Marso 28 hanggang 31, 2023, ang taunang pulong ng BFA sa lunsod Boao, lalawigang Hainan ng Tsina.
Ani Hou, kasalukuyang kinakaharap ng buong daigdig ang mga hamon na dulot ng dumaraming alanganing elemento, kaya naman ipagkakaloob ng pulong ng BFA ngayong taon ang mas maraming pagkakataon tungo sa ibayo pang pagpapasulong ng kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, at bilateral na relasyon ng Tsina at ASEAN.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio