Di pagkakapatibay ng UNSC sa panukala hinggil sa Nord Stream pipelines, ikinalulungkot ng Tsina

2023-03-29 15:18:17  CMG
Share with:

 

Hindi pinagtibay madaling araw ng Marso 28, 2023 ng United Nations Security Council (UNSC) ang panukala na isinumite ng Rusya hinggil sa isyu ng pagkasira ng Nord Stream pipelines.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ikinalulungkot ng panig Tsino ang nasabing resulta.

 

Ipinahayag ni Mao na dapat isabalikat ng UNSC ang responsibilidad sa pangangalaga sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad at ang panukala ng Rusya ay nagkaloob ng mahalagang pagpili para linawin ang katotohanan ng insidente ng Nord Stream pipelines.

 

Sinabi ni Mao na pinansin ng panig Tsino na kinondena ng mga kasapi ng UNSC ang insidenteng ito at hiniling ng ilang kasapi sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidenteng ito.

 

Ito aniya ay nagpakitang lubos na pinansin ng komunidad ng daigdig ang isyu ng seguridad ng mga transnasyonal na imprastruktura at napakahalaga ng pagsasagawa ng komprehensibo, pantay, transparent at nagsasariling imbestigasyon sa nasabing insidente.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil