CMG Tegucigalpa Bureau, nag-alis ng tabing

2023-03-29 15:52:45  CMG
Share with:

 

Idinaos Martes, Marso 28, 2023 sa palasyong pampanguluhan ng Honduras ang seremonya ng pag-aalis ng tabing ng China Media Group (CMG) Tegucigalpa Bureau.

 

Ito ang ika-191 na news bureau ng CMG sa ibayong dagat.

 

Sa seremonya, nilagdaan ng CMG at pambansang istasyon ng Radyo at Telebisyon ng Honduras ang memorandum ng kooperasyon at pagpapalitan hinggil sa pagtatatag ng organo, mekanismo ng kooperasyon, paggawa ng produkto at pagpapalitan ng tauhan.

 

Ito ang unang dokumentong pangkooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng media.

 

Dumalo sa seremoniya ang mga opisyal ng pamahalaan at mambabatas ng Honduras, kinatawan ng CMG, sektor ng media at kultura ng bansang ito.


Salin: Ernest

Puido: Ramil