Sa sub forum ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) na idinaos ngayong umaga, Marso 29, 2023, ipinalalagay ng mga kalahok na kinatawan na sapul nang pormal na pairalin ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) noong Enero 1, 2022, ang RCEP ay naging bagong puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang panrehiyon ng Asya.
Ipinahayag ni Kao Kim Hourn, Pangkalahatang Kalihim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na ang RCEP ay kasunduan ng pinakamalaking sonang pangkalakalan sa buong daigdig at isinasagawa ng ASEAN ang mga hakbangin para ibayo pang pasulungin ang pag-unlad ng pamilihang panrehiyon at pahigpitin ang katatagan ng kadena ng pagsuplay at industriya.
Ayon sa pinakahuling pagtaya ng International Monetary Fund (IMF), ang komprehensibong pagsasagawa ng RCEP sa mga bansang ASEAN gaya ng Indonesia at Pilipinas, ay magkakaloob ng bagong puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang panrehiyon ng Asya.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil