CMG Komentaryo: U.S. human rights, naging “Amerikanong bangungot”

2023-03-29 10:52:23  CRI
Share with:

Isang napakalungkot na araw ang Marso 27, 2023 para sa maraming pamilyang Amerikano.


Sa araw na ito, nangyari ang insidente ng pagbaril sa isang pribadong Christian school sa Nashville, estadong Tennessee ng Amerika kung saan binawian ang buhay ng 3 inosenteng bata at 3 mayor-de-edad.


Sapul nang maganap ang kaso ng pamamaril sa Robb Elementary school sa estadong Texas ng Amerika noong Mayo ng nagdaang taon, ito ang pinakamalubhang campus shooting incident sa bansang ito.


Bilang tugon, inihayag ni Pangulong Joe Biden ng Amerika na “isang kahila-hilakbot na bangungot” ang nasabing insidente para sa bawat pamilyang Amerikano.


Bakit paulit-ulit na nangyayari ang ganitong trahedya? Anong problemang nagbubunsod ng mga ito? Ibinunyag ng inilabas na “The Report on Human Rights Violations in the United States in 2022” ng Tsina ang katotohanan.


Sa pamamagitan ng maraming kaso at komprehensibong datos, inilista ng naturang ulat na may 18 libong salita ang tunay na kalagayan ng pundamental na karapatan at kalayaan ng mga Amerikano noong isang taon, na nagpakita ng paglitaw ng “iconic regression” sa kalagayan ng karapatang pantao ng bansang ito.


Nabanggit ng ulat na ang pamamaril ay naging unang sanhi ng kamatayan ng mga batang Amerikano.


Ang mga campus shooting incident ay hindi lamang nakakadurog sa katiwalaan ng mga Amerikano sa pambansang seguridad, kundi muli itong nagbunyag ng pagkakakunwari at kasamaan ng umano’y “human rights defender.”


Bakit wala nang pag-asa ang mga Amerikano sa U.S. human rights?


Ito ang kaugnayan sa dalawang masusing salita: isa ay pera, at isa pa ay labanan ng partido.


Hina-hijak ng kapital ang pulitika sa Amerika na napakatibay na relasyong “pera sa pakinabang” ang umiiral sa bansang ito.


Kung nawawalan ang lakas mula sa mga mamamayan sa halalan ng Amerika, sino ang talagang nagpapahalaga at nag-aalaga sa mga mamamayan?


Kaugnay ng labanan ng partido, nitong halos 30 taong nakalipas, nagiging pinakamalinaw na katangian ng pulitikang Amerikano ang polarisasong pulitikal.


Kung nananaig sa lahat ang kapakanan ng partido at bloc, walang ibinibigay na pansin sa kapakanan ng mga mamamayan.


Ngunit sa halip ng pagpapabuti ng kalagayan ng sariling karapatang pantao, ginagamit ng pamahalaang Amerikano ang karapatang pantao bilang sandata sa panghihimasok ng suliraning panloob ng ibang bansa at paglilikha ng konprontasyon, pagkakahiwalay, at kaguluhan sa komunidad ng daigdig.


Ang U.S. human rights ay hindi lamang bangungot ng mga mamamayang Amerikano, kundi maging bangungot ng mga mamamayan sa buong mundo.


Salin: Lito

Pulido: Ramil