Li Qiang, kompiyansang matutupad ang mga target ng Tsina sa 2023

2023-03-30 14:45:14  CMG
Share with:

 

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Kristalina Georgieva, Managing Director ng International Monetary Fund (IMF), Miyerkules, Marso 29, 2023 sa Boao, lalawigang Hainan ng Tsina, sinabi ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na may kompiyansa at kakayahan ang kanyang bansa sa pagsasakatuparan ng mga target ng pag-unlad sa 2023.

 

Aniya, matibay ang pundasyon ng kabuhayang Tsino at malawak ang prospek ng pag-unlad ng bansa.

 

Pahihigpitin din aniya ng Tsina ang pagsasaayos at pagkontrol sa patakaran ng makro-ekonomiya, buong sikap na pasusulungin ang paglaki ng konsumo at pamumuhunan, matatag na palalawakin ang pagbubukas sa labas, at maayos na pipigilan ang mga hamon.

 

Dagdag ni Li, dapat igiit ng komunidad ng daigdig ang multilateralismo, at pangalagaan ang seguridad, kaayusan at katatagan ng pandaigdigang kadena ng suplay at industriya.

 

Kasama ng IMF, nakahanda aniya ang Tsina upang patuloy na palalimin ang kooperasyon at pasulungin ang pag-unlad ng pandaigdigang pangangasiwa tungo sa mas makatuwiran at makatarungang direksyon.

 

Ipinahayag naman ni Georgieva na posibleng umabot sa sangkatlo ang contribution rate ng kabuhayang Tsino sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig ngayong taon.

 

Hanga aniya ang IMF sa paggigiit ng Tsina sa multilateralismo at mahalagang ambag nito para pigilan ang krisis sa utang ng mga umuunlad na bansa.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda ang IMF na ibayo pang palalimin ang kooperasyon, dagdag pa niya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio