Pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon at pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad, ipinanawagan ng Tsina

2023-03-30 14:51:35  CMG
Share with:

Bilang kinatawan ng halos 80 bansa, inilahad, Miyerkules, Marso 29, 2023 ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawang Tsino sa Tanggapan ng United Nations (UN) sa Geneva at ibang mga pandaigdigang organisasyon sa Switzerland ang talumpati sa ika-52 pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).

 

Ipinanawagan ni Chen, ang pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon at pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad.

 

Aniya, ang Vienna Declaration and Program of Action ay isang milestone sa kasaysayan ng karapatang pantao at noong nakaraang 30 taon, sapul nang pagtibayin ang deklarasyong ito, mabisang pinasulong ng komunidad ng daigdig ang usapin ng pangangalaga sa karapatang pantao.

 

Pero sa kasalukuyan, kinakaharap aniya ng komunidad ng daigdig ang mga hamong gaya ng pagsidhi ng diskriminasyon, di-pagkakapantay-pantay, polarisasyon, at segregasyon dahil sa pulitika.

 

Ang mga ito ay malubhang humahadlang sa mabisang pagsasakatuparan ng nasabing deklarasyon at sustenableng pag-unlad, dagdag ni Chen.

 

Kaugnay nito, nananawagan din aniya ang panig Tsino sa iba’t-ibang bansa na isagawa ang komong pangako, pahigpitin ang pandaigdigang kooperasyon, at pangalagaan ang lahat ng mga karapatang pantao para walang humpay na mapasulong ang pag-unlad ng usaping ito sa pandaigdigang entablado.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio