MOFA: Solemnang nagprotesta sa pag-arange ng Amerika sa di-umano’y “transit” ni Tsai Ing-wen sa teritoryo nito

2023-03-31 14:51:26  CMG
Share with:

Idiniin Huwebes, Marso 30, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na kaugnay ng pag-arange ng Amerika sa di-umano’y “transit” ni Tsai Ing-wen, Puno ng Awtoridad ng Taiwan, sa teritoryo nito at pakikipagtagpo sa mga opisiyal at mambabatas ng Amerika, iniharap ng panig Tsino ang solemnang pagprotesta at matinding pagkondena sa Amerika.


Sinabi ni Mao na matatag na pangangalagaan ng panig Tsino ang kabuuan ng pambansang teritoryo at soberanya.


Inulit ni Mao na matatag na tinututulan ng Tsina ang pagpunta ng puno ng Awtoridad ng Taiwan sa Amerika sa anumang dahilan at paraan.


Tinututulan din ng Tsina ang pagsasagawa ng opisyal na pagkontak ng pamahalaang Amerikano sa Taiwan sa anumang paraan, dagdag pa ni Mao.


Saad ni Mao na sa pangangatwiran ng di-umanoy “transit” sa Amerika, na-arange ng Amerika at Taiwan ang mga aktibidad na pulitikal ni Tsai sa Amerika para pataasin ang pagpapalagayang opisyal at relasyong substansyal ng dalawang panig. Ito aniya ay muling nagpapakitang ang saligang dahilan ng kasalukuyang tensyon ng kalagayan sa Taiwan Strait ay muling hinihiling ng Awtoridad ng Taiwan sa Amerika ang pagsuporta sa pagsasarili ng Taiwan at nagtangkang pasulungin ng ilang puwersa ng Amerika ang pagpigil sa Tsina sa pamamagitan ng Taiwan.


Idiniin ni Mao na ang isyu ng Taiwan ay ubod ng nukleong interes ng Tsina, batong-bato ng pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano at first red line sa relasyon ng dalawang bansa kung ano ang hindi pahintulutan ang pagtawid.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil